Ninang Glorya [SPG]
READING AGE 18+
Glorya Soriano, morena, nasa mid-thirties ang edad, maganda, balingkinitan ang katawan, ngunit napagkakamalang matandang dalaga dahil wala pang kasintahan sa edad niyang iyon. Hindi na kasi s'ya muling umibig nang masaktan sa unang lalakeng nagpatibok ng kanyang puso. Kaya naman s'ya lagi ang kinukuhang Ninang sa binyag ng anak ng mga kaibigan, kamag-anak at kapitbahay. Ninang na ang naging tawag sa kanya sa kanilang lugar, Bata man o matanda, inaanak man n'ya o hindi. Hindi naman iyon big deal sa kanya bilang respeto na rin. Hanggang sa makilala n'ya si Adonis, sampung taon ang tanda n'ya sa binata, bagong salta sa kanilang lugar at umuupa sa isang unit ng kanilang apartment. Ito lamang ang hindi tumatawag sa kanya na Ninang. Lantaran kasi ang pagpapalipad hangin nito sa kanya at pag-amin ng nararamdaman ngunit hindi s'ya naniniwala dahil nga sa laki ng agwat ng kanilang edad. Nagkaroon na nga rin kasi s'ya ng trust issues dahil sa dating naka relasyon. Halos araw-araw pang marami bisita si Adonis na mga dalaga na mas bata at maganda kaysa kay Glorya. Pero aminin man n'ya o hindi ay pinagseselosan n'ya ang mga dalagang bisita nito. Isa pa ay kakaiba rin ang nararamdaman n'ya sa binata kapag nakikita n'ya itong walang damit pang-itaas. Maniniwala na ba s'ya sa binata at bibigyan ng pangalawang pagkakataon ang pusong magmahal muli o titikisin n'ya ang nararamdaman kahit hindi s'ya makatanggi sa pang-aakit nito sa kanya? Paano naman s'ya nakaka siguradong tapat ito sa kanya kung ang lahat ng kaibigan nito ay puro dalagang magaganda, sexy at mas hamak na bata kaysa sa kanya?
Unfold
THIRD PERSON P O V
" Happy!? " masuyong tanong ni Adonis sa asawa habang naka upo sila sa terrace ng kanilang bahay at nagpapa hangin.
Tulog na ang mga nanay nila sa kani- kanilang mga silid samantalang sila ay gising na gising pa dahil sa labis na kasiyahan. Kani……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……